Arestado ang sinasabing Maute Terror Group at Abu Sayyaf member sa bahagi ng Gov. Gutierrez Avenue RH 9 Cotabato City ala una kinse noong January 18, 2019.
Kinilala ang suspect na si Datu Mohalidin, Aka Amir Khatab Usman, Datu Fahad Abdula Mangulamas, Abu Katab at Datu Usman, 25 anyos residente ng RH 10 Cotabato City na sinasabing sangkot sa malagim na nangyari sa Marawi City.
Naaresto ang suspect sa operasyon ng pinagsanib na pwersa ng City PNP, CIDG RFU ARMM, Intel Units ng AFP at PNP, 5th SF at NICA 12 base na rin sa arrest order # 01 (ASSO) na permado ni Sec of Defense Delfin Lorenzana, Martial Law Administrator na may petsa ng November 29 2017, sa kasong paglabag sa RA 134 (Rebellion) at RA 9516 (Illegal Possession of Explosives).
Kasalukuyang nasa custody ng CIDG ARMM ang naarestong suspected terrorist member.
Naaresto si Mohalidin, ilang oras bago ang pagbisita ni Presidente Duterte sa ORG compound.
Ito na ang ikalawang indibidwal na naaresto sa Cotabato City ngayong buwan na isinasangkot sa pambobomba, noong araw ng martes isang Jing Pagayao rin ang naaresto sa syudad na sinasabing isa sa utak sa pambobomba sa Davao City
Suspected Terrorist arestado sa Cotabato City
Facebook Comments