Tuesday, March 24, 2026

SUSPEK, ARESTADO SA BUY-BUST; ₱102K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA PANGASINAN

Arestado ang isang 41 anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Pangasinan.

Kinilala ang suspek bilang residente ng Rosales, Pangasinan. Nahuli ito sa operasyon na isinagawa ng Balungao Municipal Police Station (MPS) sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency Region 1 (PDEA RO1).

Ayon sa ulat, nagresulta ang operasyon sa pagkakasamsam ng tinatayang 15 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱102,000.00.

Bukod sa ilegal na droga, narekober din ang ilang non-drug evidence.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at haharap sa kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments