Suspek na nang-hack sa fleet hub account ng isang making kompanya ng tinapay, arestado ng NBI

Arestado ang isang lalaki matapos i-hack ang fleet hub accounts ng isang malaking kompanya ng tinapay.

Iniharap sa media ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago ang suspek na kinilalang si alias Gary.

Nagulat ang kompanya nang biglang lumobo ang konsumo sa kanilang diesel at gasolina na umabot sa mahigit P14 milyon sa loob lang ng isang buwan.


Dito na dumulog sa NBI ang kompanya na agad namang nagsagawa ng imbestigasyon.

Natunton ang suspek sa Pasig City,kung saan, nasamsam sa bahay ang mga electronic gadget na gamit nito sa kaniyang modus.

Nahulihan din ang suspect ng pekeng drivers license at mga drug paraphernalia.

Nahaharap ang suspek sa kasong computer related fraud, falsification at paglabag sa dangerous drugs.

Facebook Comments