Suspek na gumahasa at pumatay sa babae sa isang apartment sa Quezon City, sumuko matapos makonsensya

Quezon City – Sumuko sa Quezon City Police District ang lalaking gumahasa at pumatay sa babaeng nanunuluyan sa apartment sa Quezon City.

Dahil sa konsensya ay inamin ng suspek na si Aries Pascua ang kanyang ginawang pagpatay sa biktimang si Sharon Morales.

Sa salaysay ng suspek, pagnanakaw lamang ang kanyang plano ngunit nahuli siya ng biktima kaya’t dali-dali niya itong sinakal hanggang sa mahimatay.


Kwento pa niya, habang walang malay ang biktima ay ginagahasa niya ito ngunit ng gumalaw na ito ay muli niya sinakal ang babae at pinagsusuntok ang mukha hanggang sa mamatay.

Mababatid na natagpuang patay si Morales noong September 29 sa ilalim ng kaniyang kama sa loob ng apartment na kaniyang inuupahan sa Maya Street, Barangay Commonwealth.

Kinasuhan na ng QCPD si Pascua ng robbery with rape and homicide.

Facebook Comments