SUSPEK NA HINDI HUMARAP SA KORTE, ARESTADO SA TAYUG

Naaresto ng Tayug Municipal Police Station ang isang 37-anyos na lalaki na residente ng Tayug, Pangasinan, matapos mabigong humarap sa nakatakdang pagdinig sa korte.

Isinagawa ang pag-aresto sa suspek sa bisa ng Bench Warrant of Arrest (WOA) dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nakatalaga ang halagang Php10,000.00 bilang piyansa sa bawat kasong kinahaharap nito.

Ayon sa Tayug MPS, ang suspek ay kilalang buy-and-sell sa kanilang lugar at ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya habang hinihintay ang susunod na hakbang ng korte.

Facebook Comments