Suspek na nagtangkang mangikil sa basketbolistang si Kiefer Ravena, isinailalim na sa inquest proceedings

Manila, Philippines – Isinailalim na sa inquest proceedings ang suspek na nagtangkang mangikil sa basketbolistang si Kiefer Ravena.

Nahaharap sa kasong patong – patong na kaso ang suspek na si Kristoffer Monico matapos nitong hingan ng pera ang ateneo basketball star kapalit ng hindi pagpapakalat ng scandal photos ng basketbolista sa social media.

Itinanggi naman ng suspek na humingi ito ng 50,000 pesos sa biktima.


Sakaling mapatunayang guilty, posibleng makulong ang suspek ng labing anim na taon at pagmultahin ng 100,000-hanggang kalahating milyong pesos.

Facebook Comments