Suspek na nanloob sa Resorts World Manila, kinilala na ng PNP

Manila, Philippines – Kinilala na ng Philippine National Police (PNP) ang suspek na nanloob sa Resorts World Manila na ikinasawi ng 37 katao habang 54 ang sugatan.

Ayon kay NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde alas-5:30 ng umaga kanina ng magtungo ang kaanak ng suspek at kinausap ng special investigation task group at kanilang kinumpirma na ang suspek ay nakilala si Jessie Carlos.

Dagdag pa ni Albayalde, batay sa kanilang isinagawang follow-up operations may problema sa financial ang suspek dahil baon ito sa utang dahil sa pagkakalulong sa casino.


Kinumpirma din ni Albayalde na binenta nito ang kaniyang sasakyan at ilang mga properties dahil sa nalulong sa sugal kung saan naging sanhi din ito sa pagkakahiwalay nilang mag-asawa.

Dagdag pa ni Albayalde, tinanggal sa trabaho si Carlos dahil sa ilang mga maanomalyang transaksiyon at napag-alaman din na may utang ito na apat na miloyng piso sa bangko bukod pa sa utang sa ibang tao.

Dahil dito, muling iginiit ni Albayalde na hindi ito gawa ng mga terorista at umaasa din siyang sarado na ang usapin hinggil dito.

Sa huli, sinabi pa ni Albayalde na hindi nila hahayaan na gamitin ng kahit anong grupo o indibidwal ang ganitong klaseng sitwasyon para gamitin nilang propaganda at pansariling interes.

DZXL558

Facebook Comments