Naaresto na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek sa pagpatay sa abogadong si Atty. Joey Luis Wee sa Cebu City.
Kinumpirma ni Atty. Ferdinand Lavin, Deputy Director at tagapagsalita ng NBI, na nahuli ang suspek dakong alas-11:00 kagabi.
Hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Lavin dahil may isinasagawa pang follow-up operations ang NBI.
Matatandaan na ang 51 anyos na si Wee ay inambush noong Nov. 23, 2020 sa Cebu City.
Kabilang sa tinututukan na anggulo ng mga otoridad ay ang posibilidad na may kinalaman sa trabaho ni Wee ang pagpatay sa kanya.
Isa kasi sa mga malaking kaso na nahawakan ni Wee ay ang kaso ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) hinggil sa overpriced na mga lamp post sa Cebu City na inilagay para sa ASEAN 2007.
Una na ring inatasan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang NBI na imbestigahan ang krimen.