Suspek na pumaslang kay Rep. Batocabe, posibleng galing ibang probinsya – PNP

Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) na ang pumatay kay Ako Bicol Party-List Representative Rodel Batocabe ay galing sa ibang probinsya.

Ito ang nakikitang dahilan ng PNP kung bakit lokal na residente ang nakakaalam ng pagkakakilanlan nito.

Ayon kay PNP Spokesperson, Chief Superintendent Benigno Durana – hindi pa ikinukonsiderang hotspot ang Albay pagdating sa paglaganap ng partisan armed groups.


Ngunit isa aniya sa lalawigan sa Bicol Region ay notoryus sa hired assassins.

May mga natatanggap na report ang PNP na mayroong ‘imported’ assassins mula Panay na pumupunta sa Bicol Region.

Dahil dito, mas pinaigting pa ng PNP ang kanilang law enforcement and intelligence operations.

Facebook Comments