Suspek na pumatay at gumahasa sa 8-anyos na babae, namatay sa loob ng kulungan

5563
Stock photo from unsplash.com

Natagpuan wala nang buhay sa loob ng selda ang suspek na pumatay at gumahasa sa isang walong-taong-gulang na batang babae sa Candelaria, Quezon.

Batay sa imbestigasyon ng Candelaria Municipal Police Station, hindi na gumagalaw pa si Ricardo Burce, 55, na ginigising ng kakosa nitong Miyerkules ng umaga.


Nang madiskubreng hindi na siya humihinga, agad ipinaalam ng inmate sa naka-duty na jail warden ang sitwasyon.

Naisugod pa sa Candelaria District Hospital ang salarin pero idineklara din dead on arrival.

Magugunitang inamin ni Burce ang karumal-dumal na krimen na aniya’y nangyari dahil sa matinding kalasingan.

Narekober ang bangkay ng kaawa-awang biktima sa isang liblib na lugar noong Enero 4.

Facebook Comments