Suspek na Pumatay sa isang Negosyante sa Cauayan City, Tukoy na ng mga Otoridad!

*Cauayan City, Isabela- *Tukoy na ng Cauayan City Police Station ang riding in tandem criminals na bumaril sa isang kilalang negosyante sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Esem Galiza, tagapagsalita ng Cauayan City Police Station, mayroon na silang nakuhang salaysay mula sa witness na nakapagturo sa mga suspek at hinihintay na lamang ang formal complaint ng pamilya ng biktima upang maisampa ang kaso laban sa mga suspek.

Matatandaan na pasado alas nuebe ng umaga kahapon, Enero 23, 2019, habang naglalakad sa Roxas St. ang biktima na si Robert Tan Uy, 58 anyos, at residente ng District 2, Cauayan City, Isabela ay bigla na lamang binaril ng riding in tandem na nakasuot ng itim na helmet lulan ang itim na Mio at agad na tumakas patungong Sto. Nino Subdivision matapos ang pamamaril.


Sa ngayon ay hindi pa maaaring banggitin ng PNP Cauayan ang pangalan ng mga suspek dahil patuloy pa ang kanilang imbestigasyon at pagkalap ng karagdagang impormasyon hinggil sa naturang pamamaril.

Facebook Comments