Suspek na pumatay sa mamamahayag sa Zamboanga City, arestado na

Kinumpira ni Philippine National Police Public Information Office Chief PBGen. Jean Fajardo na nasakote na ang suspek sa pagpatay sa local broadcast journalist sa Barangay Tumaga, Zamboanga City na si Maria Vilma Rodriguez.

Ayon kay Fajardo, ngayong araw isasailalim sa inquest proceedings ang nahuling suspek na kamag-anak din nito.

Ani Fajardo, bago maganap ang pagpatay kay Rodriguez ay nagkaroon ito ng mainit na pakikipagtalo sa suspek na ang ugat ay awayan sa lupa.


Si Rodriguez ay binaril ng tatlong beses ng suspek sa harap mismo ng kanyang pamilya kung saan nagawa pa itong maisugod sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Facebook Comments