Nasakote ng pinagsanib na pwersa ng Port of Clark, Port of Subic at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang suspek na nag-claim o tumanggap ng higit P3 milyung halaga ng kush sa Subic Bay Freeport Zone.
Ang naturang suspek ay hindi muna pinangalanan ng mga awtoridad para masakote ang iba nitong kasabwat.
Nabatid na unang nadiskubre ng Bureau of Customs (BOC) at PDEA ang nasabing iligal na droga noong February 19, 2023 kung saan galing ang shipment sa Quebec, Canada.
Una itong idineklara bilang mga kurtina ng bintana at bulak pero ng dumaan ito sa K9 unit at x-ray scanning ay kaduda-duda na ang laman.
Agad na ikinasa ang physical examination sa nasabing shipment at dito na nadiskubre ang nasa 2,336 na gramo mg high grade Marijuana o kush.
Muling inihayag ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na mas lalo pa silang maghihigpit sa pagbabantay at pagmomonitor ng anumang dumarating na kargamento sa bansa para mapigilan amg pagpupuslit ng iligal na droga gayundin ang iba pang uri ng smuggling.