Suspek sa Bulacan massacre, hindi na raw kailangan pang i-drug test uli – ayon kay General Bato

Manila, Philippines – Hindi na dapat pang muling isalang sa drug test si Carmelino IbaƱez, ang suspek sa Bulacan massacre na una nang nagnegatibo sa drug test.

Ayon kay PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa, umamin naman na ang suspek na gumamit siya ng bawal na gamot bago ginawa ang krimen laban sa mag-iina sa Bulacan.

Hindi na rin daw importante kung magpositibo pa ito o hindi ito sa drug test dahil pagpatay o murder naman ang kaso nito at hindi droga.


Ipinaliwanag naman ni Bato kung bakit nagnegatibo sa initial drug test ang suspek.

48 oras lamang daw kasi maaaring magtagal sa katawan ng tao ang iligal na droga lalo pa kung mabilis ang metabolismo nito.

Facebook Comments