Suspek sa Bulacan massacre, tinorture umano para akuin ang pagpatay sa limang miyembro ng pamilya ni Dexter Carlos

189

Manila, Philippines – Binawi ng suspek na si Carmelino Ibañez ang naging pag-amin nito na sangkot siya sa pagpatay sa limang miyembro ng pamilya ni Dexter Carlos sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Sabi ni Ibañez, tinorture siya ng mga pulis kaya napilitan siyang akuin ang krimen.

Aniya, nangyari ang pananakit noong gabi ng June 27 nang ipinatawag ulit siya ng mga pulis at itinuring na suspek.


Itinanggi naman ng San Jose Del Monte police ang paratang ni Ibañez.

Dagdag pa ni SJDM Bulacan Police Chief P/ Supt. Fitz Macariola – hindi sila nababahala sa pabago-bagong pahayag ng suspek.

Facebook Comments