SUSPEK SA DROGA, ARESTADO SA MANGALDAN

Arestado ang isang construction worker sa isinagawang buy-bust operation ng Mangaldan Police Station sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 1, na nagresulta sa pagkakasamsam ng tinatayang 20 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang 136,000 pesos.

 

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek bilang 37 anyos na construction worker at residente ng Dagupan City, Pangasinan.

 

Ayon sa ulat ng pulisya, isinagawa ang isang anti-illegal drugs buy-bust operation matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot ng suspek.

 

Matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na bibili, agad itong inaresto.

 

Nakumpiska mula sa suspek ang hinihinalang shabu at ilan pang ebidensya.

 

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Mangaldan Police Station ang suspek habang inihahanda ang mga kaukulang kasong isasampa laban sa kanya sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments