Kabuuang 130 suspek sa ibat-ibang kaso ang naaresto sa isang araw na magkakasunod na Anti-Ciminality Enforcement Operation o SACLEO sa lalawigan ng Laguna.
Sa ulat ng Laguna Police Provincial Office, isinagawa ang operasyon mula April 10 hanggang April 11.
Sa 130 suspek na naaresto, 74 ay may kasong may kinalaman sa iligal na droga, 3 naaresto dahil sa pagsisilbi ng search warrants at siyam ay naaresto dahil sa police operations.
21 suspek naman naaresto dahil sa iligal na pagsusugal at wanted persons.
Sa mga operasyon, nakakuha ang Laguna Police ng 119 sachets ng shabu na may estimated weight na 57 grams at may estimated value na mahigit 182,000.
Isa naman sa mga suspek ang nasawi matapos umanong manlaban sa ikinasang operasyon. Ang suspek ay may kaso na kaugnay sa iligal na droga.