
Naaresto ang isang 33 anyos na lalaki, na tinaguriang “Bentong,” matapos makumpiska ang 0.5 gramo ng hinihinalang shabu sa isang operasyon na isinagawa noong Oktubre 20, 2025 sa Sitio Kakabit, Barangay San Vicente, San Jacinto.
Ang operasyon ay isinagawa ng San Jacinto Municipal Police Station sa pakikipagtulungan sa PDEA-RO1 sa bisa ng dalawang search warrants para sa possession of illegal drugs at illegal drug paraphernalia.
Narekober mula sa suspek ang mga plastic sachet ng pinaghihinalaang droga at iba pang mga gamit na may kaugnayan sa ilegal na droga.
Ang mga ebidensiya ay na-inventory at naitala sa presensya ng mga awtoridad at saksi bilang bahagi ng legal na proseso. Patuloy ang imbestigasyon hinggil sa kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









