
Arestado ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division (NBI-CCD) ang suspek sa investment scam na bumibiktima sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Naaresto ang suspek sa isinagawang entrapment operation sa isang mall sa Pasay City.
Nabatid na modus ng suspek ang alukin ang mga papaalis na OFWs na mag-invest ng pera kapalit ng malaking interes.
Pero kapag nakuha na niya ang malaking halaga ng pera ay maglalaho na ito.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong estafa.
Facebook Comments










