SUSPEK SA KASONG CHILD ABUSE, ARESTADO SA BANGAR, LA UNION

Arestado ang isang 28-anyos na lalaki ng mga tauhan ng 104th Maneuver Company (MC), Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1) kaugnay ng kasong pang-aabuso sa bata sa Bangar, La Union.

Ayon sa awtoridad, inaresto ang suspek dahil sa paglabag sa Section 10(a), Article VI ng RA 7610, kung saan may inirerekomendang piyansa na nagkakahalaga ng 80,000 pesos.

Isinailalim muna sa medical at physical examination ang suspek bago isinailalim sa standard booking procedure sa Bangar Municipal Police Station.

Inaasahang ililipat siya sa Social Welfare and Development Office para sa tamang disposisyon at kaukulang proseso.

Facebook Comments