
Cauayan City – Naipasakamay na sa mga kapulisan ng Ilagan, Isabela ang isang wanted person na nahaharap sa dalawang bilang ng kasong Statutory Rape.
Sa isinagawang operasyon ngayong araw, December 23, 2025, sa Brgy. Camunatan, City of Ilagan, naaresto ang suspek na si alyas “Mac”, 34 – anyos, tinaguriang Top 6 Provincial Most Wanted Person na residente rin sa nabanggit na lungsod.
Ang pagkakaaresto ay isinagawa dahil sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kung saan wala itong inirekomendang piyansa.
Sa ngayon, nasa kustodiya ng Ilagan Police Station si “Mac” para sa kaukulang documentation bago idala sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.
Samantala, hinikayat ng PNP Isabela ang publiko na makapag-ugnayan sa kanila kaugnay sa mga gnaitong uri ng krimen upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa buong lalawigan.
Source: PNP Isabela









