SUSPEK SA KASONG RECKLESS IMPRUDENCE RESULTING IN HOMICIDE, ARESTADO SA URDANETA CITY

Naaresto ng mga awtoridad ang isang suspek sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide sa isinagawang intelligence-driven operation sa Urdaneta City.

Pinangunahan ng 104th Mobile Company (MC) ang operasyon bilang lead unit, katuwang ang 105th MC RMFB, Urdaneta City Police Station (CPS), Pangasinan Police, at Regional Intelligence Division (RID) ng PRO 1.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Article 365 ng Revised Penal Code, na may inirekomendang piyansa na ₱60,000.

Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa Urdaneta CPS para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon alinsunod sa umiiral na proseso ng batas.

Facebook Comments