Suspek sa likod ng isang Facebook group na nagpapalabas ng mga hubad na larawan o video ng mga batang babae, arestado

Manila, Philippines – Nabisto ang isang Facebook group kung saan pinaghuhubad ang mga batang babae sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Senior Insp. Moises Reyes, karamihan sa mga biktima ay mga estudyante mula sa mga grade school.

Sa ulat, pinaghuhubad ng suspek na si Raffa Paul Reyes ang mga mabibiktima nito sa Facebook at tinangka pa nitong ikalat ang mga larawan.


Hindi rin tinatantanan ng suspek ang mga nabibiktima nito at hiniling na makipagkita ang mga ito sa kanya.

Sa ikinasang operasyon, naaresto ang suspek.

Narekober sa kanya ang cellphone na naglalaman ng litrato ng mga babae na walang suot pang-itaaas.

Nahaharap ang suspek sa kasong child abuse at paglabag anti-cyber crime law.

Facebook Comments