Suspek sa likod ng pagtatapon ng mga kemikal sa isang ilog sa Batangas, kakasuhan ng DENR

Sasampahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng kaso ang suspek na nagtapon ng chemical wastes sa isang ilog sa bayan ng Tuy sa Batangas na nagdulot ng malalaki at dambuhalang foam o bula.

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, isa sa mga naaresto ay ang land owner na si Romano Cabrera, 46-anyos na mahaharap sa patung-patong na kaso.

Nilabag ni Cabrera ang Philippine Clean Water Act at Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act.


Bukod sa DENR, ang lokal na pamahalaan ay ihahabla rin si Cabrera dahil sa kawalan ng permits mula sa municipal government.

Ininspeksyon na ng Environmental Management Bureau ng DENR ang lugar para malaman kung anong kemikal ang itinapon sa tubig.

Maliban kay Cabrera, inaresto rin si Mark Anthony Austria na nahuli ng mga pulis na nililinis ang 16 na drum ng chemical substance.

Facebook Comments