Suspek sa malagim na aksidente sa Malabon City, nakilala na

1448

Mahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting to multiple homicide ang suspek sa malagim na aksidente sa Malabon City kung saan halos mawasak ang isang tricycle ng banggain ito ng SUV.

Kinilala ang mga biktima na sina Norberto Pinuela na nagmamaneho ng tricycle at pasahero nito na si Novelina Esto.

Batay sa kuha ng CCTV, mabagal lamang ang pagpapatakbo ni Pinuela habang tinatahak ang Lambingan Bridge sa Barangay Concepcion nang salpukin sila ng SUV na minamaneho ni Kim Russel Sioco.


Dito na tumilapon si Pinuela sa ilog at nakita na lamang ang bangkay nito sa katabing bayan ng Navotas.

Sa kasalukuyan, inaalam pa kung nakainom si Sioco matapos mapag-alaman ng mga awtoridad na nanggaling ito sa party.

Isa rin sa sinisilip na dahilan kung nagkaroon ba ng pag-aaway si Sioco at asawa nito dahilan upang ma-distract siya habang nagmamaneho.



Facebook Comments