Suspek sa masaker sa Bulancan, iniharap ng PNP – pagpatay sa limang miyembro ng pamilya – inaming nagawa lang dahil sa pagiging high sa droga!

Manila, Philippines – Humingi ng tawad ang suspek sa pagmasaker nito sa limang miyembro ng pamilya sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Kasunod ito ng pagpresinta ng PNP sa media sa Camp Olivas, Pampanga sa suspek na si Carmelino Ibañez, alyas Onyok, 26-anyos.

Pag-amin ni Ibañez, gumamit ito ng shabu, uminom ng gin at saka uminom ng beer bago ginawa ang krimen.


Pero, giit ng suspek, nagsisisi siya sa kanyang nagawa.

Ayon kay PNP Region 3 Dir. Chief Supt. Aaron Aquino – isa ang suspek sa mga person of interest na ipinatawag.

Dito aniya, umamin ang suspek na nagawa niya ang krimen dahil sa galit makaraang pagdamutan sila ng pamilya Carlos sa pag-iigib ng tubig.

Patuloy naman ang beniberipika ng mga otoridad kung may sangkot pa sa krimen, dahil hindi aniya sigurado ang suspek lalo nat lango ito sa droga ng nagawa ang krimen.

Samantala, magbigay naman na ng legal na tulong Ang Volunteers Against Crime and Corruption sa kaanak ng pamilyang minasaker sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Ayon kay VACC Spokesman Arsenio “Boy” Evangelista – marami silang volunteer na abogado upang tulungan si Dexter Carlos sa pagtutok sa imbestigasyon ng mga otoridad.

Sa ngayon ay isinasailalim na sa PNP crime lab ang narekober na kutsilyo na ginamit sa krimen.

Facebook Comments