Suspek Sa Nangyaring Christmas Market Attack Sa Berlin, Tukoy Na

10

BERLIN, GERMANY – Kinilala na ang suspek sa nangyaring Christmas market attack sa Berlin, Germany kung saan kumitil ng buhay ng 12 katao at 48 ang sugatan.Naglabas na ang otoridad ng 100,000 euros o katumbas ng higit 5 milyong piso makakapagturo ng kinaroroonan ni Anis Amri na isang Tunisian at pangunahing suspek sa Berlin attack.Patuloy paring iniimbestigahan ng mga otoridad kung kasapi ba ng ISIS si Amri at kung isang terrorist attack ang nangyaring insidente.Lubos naman ang pagdadalamhati ng mga residente ng Berlin dahil sa nangyaring pag atake na ikinasawi ng marami.

Facebook Comments