Suspek sa pag-atake sa Resorts World Manila, napatay na – PNP, pinawi ang pangamba ng publiko sa anumang banta ng terorismo sa Metro Manila

Manila, Philippines – kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na napatay na ang dayuhang suspek sa nangyaring pag-atake sa Resorts World Manila kaninang madaling araw.

Sa ngayon, inaalam pa ang pagkakakilanlan at lahi nito.

Kasabay nito, pinawi na ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang anggulong terorismo sa pangyayari sa kabila ng pag-ako ng ISIS dito.


Dagdag pa ni Dela Rosa – ang mga narinig na pagputok ay ang pagbaril ng suspek sa isang wide screen L-E-D TV sa casino.

Pagnanakaw aniya ang isang tinitingnang anggulo dahil tinanggay umano ng suspek ang backpack na puno ng casino chips na pwedeng ipalit bilang pera.

Sa ngayon, mahigpit pa rin ang seguridad sa bisinidad sa nasabing casino-hotel.
DZXL558

Facebook Comments