Wala na sa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group National Capital Region (CIDG-NCR) ang suspek na sangkot sa pagbebenta ng vaccine slot.
Ayon kay Police Col. Rogarth Campo, Hepe ng CIDG-NCR, nakauwi na si Cyle Bonifacio makaraang maghain ng affidavit kasama ang abugado nito.
Aniya hindi pa sya ikukulong dahil pinag-aaralan pa ang kaso na isasampa sa kanya.
Samantala, ayon naman kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar, iimbestigahan pa si Bonifacio at titignan ang lahat ng angulo.
Sa ngayon aniya kulang pa ang kanilang ebidensya para madiin si Bonifacio na mayroon talagang bentahan ng bakuna na naganap at kung may mga tao na nag-avail nito.
Aniya makakapagsampa lamang ng kaso ang PNP kay Bonifacio kung mayroon na silang hawak na ebidensya.
Matatandaang una na nang iginiit ni Bonifacio na malinis ang kanyang pangalan at hindi sya nagbebenta ng vaccine slot.