Suspek sa pagnanakaw at pagpatay sa 2 señor citizen sa Q.C nahuli na ng mga otoridad

Natuldukan na ang pagtatako ng 37 anyos na lalaki na suspek sa pagpatay matapos maaresto ng pinagsanib na pwersa ng CIDG QCPD at NPD.

 

Kung maalala nito lamang natagpuang duguan at wala ng buhay ang magasawang sina Nicolas Austria, 86 y/o, at Leonora Austria, 87 y/o, sa loob ng kanilang bahay sa Novaliches habang  sugatan at nakaligtas ang kasambahay na Editha Fernandez, 63 y/o.

 

 

Ayon kay NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar, malaki ang naitulong para malutas ang kaso matapos mabuhay ang sugatang kasambahay na nahampas ng matigas na bagay sa ulo.


 

 

 

Kwento nito nakilala niya ang suspek dahil nakatrabaho niyo at iniwan pa nito ang duguang damit sa crime scene matapos mapatay ang biktima.

 

 

Nabawi sa suspek ang Php16,100.00 ang natira sa 38k pesos na ninakaw ng suspek sa magasawa.

 

Kasong robbery with homicide and frustrated murder ang isasampa sa naarestong suspek.

 

Facebook Comments