Suspek sa pagnanakaw ng 400,000 pesos, arestado sa Cebu City

Cebu City – Arestado na ng mga otoridad ang suspek sa pagnanakaw ng apat na raang libong piso (P400,000) sa St. Joseph the Patriarch Parish sa Mabolo, Cebu City.

Linggo ng gabi ng tangayin ni Alexander Lumapac, isa sa mga scholar ng simbahan ang cash donations.

Dalawandaang libong piso na lang ang nabawi sa suspek dahil naibili na raw niya ang pera ng bagong motorsiklo at telebisyon.


Facebook Comments