Suspek sa pagnanakaw sa isang bus terminal sa Maynila, arestado!

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaking nanalisi sa isang bus terminal sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Genesis Santos na dati ng may kasong pagnanakaw.

Sa kuha ng CCTV, makikita si Santos na nakaupo sa labas ng gate sa bus terminal.


Nang makatulog na ang dalawang dispatcher ng terminal, binuksan niya ang lock ng gate at pumasok.

Dito na nakuha ng suspek ang cellphone ng biktimang si Reymark Timaot saka tumakas.

Ayon naman kay Capt. Edwin Fugan, commander, Lacson Police Community Precinct, nagawa pa ng suspek na makitulog sa terminal kinabukasan.

Pero dahil namukaan ng kanyang kasamahan, agad nila itong isinumbong sa mga awtoridad.

Facebook Comments