SUSPEK SA PAGNANAKAW SA WET MARKET SA SAN FERNANDO, ARESTADO; HALOS ₱36K AT MGA PERSONAL NA GAMIT, NABAWI

Arestado ang isang 25-anyos na lalaki mula Tondo, Manila matapos umanong tumangay ng bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera at personal na gamit ng isang vendor sa Wet Market, Brgy. Ilocanos Sur, San Fernando City.

Ayon sa imbestigasyon, pumasok ang suspek sa stall ng biktima sat kinuha ang bag na nakapatong sa isang upuan. Nasa loob nito ang 36,480 pesos cash, isang cellphone, isang green pouch na may iba’t ibang ID, at isang blue belt bag.

Isang may-ari ng katabing stall ang nakasaksi sa insidente at agad na nagbigay-alam sa biktima at mga vendor sa paligid. Nagresulta ito sa habulan kung saan ilang indibidwal ang nagtulong-tulong hanggang sa ma-corner ang suspek.

Kasama sa pagtugis ang mga personnel ng Office of the Public Safety (OPS) na siyang tumanggap ng kustodiya ng suspek at nakarekober sa lahat ng ninakaw na gamit. Kaagad nilang dinala ang suspek at ang mga ebidensiya sa Ilocanos Police Community Precinct (PCP) sa loob ng City Public Market para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments