Suspek sa pagpapakalat ng bomb threat sa tatlo pang eskwelahan sa QC noong nakaraang linggo, tukoy na ng PNP!

Tukoy na ng Quezon City Police District ang suspek sa pagpapakalat ng bomb threat sa New Era Elementary School at Emilio Jacinto High School sa Quezon City noong nakaraang linggo.

Ayon kay QCPD Director Police Brig. Gen. Nicolas Torre III, isang 16-anyos na babae ang nasa likod ng bomb threat.

Ginamit nito ang cellphone ng kanyang ina para mag-post ng bomb threat sa social media.


Samantala, tukoy na rin ng pulisya ang IP address ng nagpakalat ng bomb threat sa San Francisco High School.

Huwebes naman nang naaresto ang 22-anyos na suspek sa bomb threat sa Ponciano Bernardo High School na umaming “trip lang” niya ang ginawang pananakot.

Facebook Comments