Suspek sa Pagpatay at Panggagahasa sa Dalagita sa bayan ng San Mateo, Tukoy na ng Pulisya

12884

Cauayan City, Isabela – May tatlong persons of interest na nakatakdang imbitahan ng pulisya sa nangyaring pagpatay at panggagahasa sa isang dalagita sa bayan ng San Mateo,Isabela at nakatakdang imbitahan ang isa sa mga ito ngayong araw para sa pagtatanong.

Ayon kay PSsgt. Ariel Sagaysay ng PNP San Mateo, natukoy nila ang mga suspek dahil sa testimonya ng hawak nilang witness na pawang mga residente rin sa nasabing lugar.


Naging kalunos-lunos ang sinapit ni Princess Diane Corpuz, 13 taong gulang at grade 8 student matapos magpositibo na ginahasa ito bago itinapon ang kanyang bangkay sa irrigation canal na sakop ng Brgy. Bella Luz sa nasabing bayan.

Lumalabas sa inisyal na pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nagtamo ng palo ng matigas na bagay ang ulo ang dalagita at hinalay ito base sa laceration sa kanyang maselang parte ng katawan.

Sa pahayag ni Michael Corpuz, nakakatandang kapatid ng biktima, naiwan si Princess na sumasagot ng module sa kanilang tahanan matapos niyang dalhin sa hospital ang kanyang misis para sa check-up nitong October 26 taong kasalukuyan.

Gabi ng Lunes, hindi na nila nakita ang kanyang kapatid at laking gulat ng ng ipabatid sa kanila na nakita ang bangkay ng dalagita nitong October 27 sa irrigation canal na tinatayang 300 metro ang layo mula sa kanilang bahay.




Si Princess na pangarap maging pulis ay ulila na sa ina at hindi kasama ang kanyang tatay kaya nakikituloy sa kanyang kapatid na si Michael.

Sa kabila nito, katarungan pa rin ang sigaw ng kapatid ng dalagitang biktima.

 

Facebook Comments