Suspek sa pagpatay ng Deped Official ng Zamboanga del Sur kinasuhan na.

781

Pagadian City, Zamboanga del Sur—–Sinampahan na ng kasong murder sa Pagadian city Prosecution Office ang lalaki na suspek umano sa pamamaril patay kay School Division Superintendent Marcom Borongan.
Sa nakalap na impormasyon ng RMN-dxpr Pagadian, naaresto ang suspek na nakilalang si Leonisio Castro Toledo alias Jun-Jun sa isanagawang follow-up operation ng Zamboanga Del Sur Police Provincial Office sa Barangay Poblacion, Dimataling, Zamboanga Del Sur. Nakatakda namang isailalim sa examination ng Regional Anti-Cybercrime Office 9 ang nakuhang cellphone mula sa suspek na posibleng makakatulong upang makilala ang mastermind sa pamamaslang.
Samantala marami rin ang nagrereklamong mga principal subalit ayaw lamang nilang magpa-interview sa ginawa umanong pagkuha sa kanilang mga cellphone sa ipinatawag na conference na di umanoy gagamiting ibedensiya at matukoy kung sino ang may kinalaman sa pagpatay sa opisyal ng Department of Education. (Kenneth Bustamante-dxpr News Team)

Facebook Comments