Suspek sa pagpatay sa 5-anyos na bata sa Bulacan, naaresto na

113

Nadakip sa ikinasang follow up operations ng San Jose del Monte Police Station sa Bulacan ang suspek sa pagpatay sa 5 taong gulang na kinder student, kaninang madaling araw.

Ayon kay SJDM Chief of Police Police Lt. Col. Orlando Castil, nakatanggap sila ng impormasyon  na makikipagkita ang suspek na kinilalang si Eman Lambuhon, 24-anyos sa kaniyang kaibigan sa Barangay Sto. Cristo kaya at agad ikinasa ang operasyon.


Matatandaang dinukot muna ni Lambuhon ang biktima na sinasabing sabog sa iligal na droga at pinagtangkaan gahasain pero nabigo ito.

Sa isang talahiban sa Barangay Kaypian, pinukpok ni Lambahun  ng bato sa ulo ang biktima na nagresulta sa agaran nitong kamatayan at saka iniwan sa lugar.

Mahaharap ang suspek sa patong-patong na kaso.

Facebook Comments

From Advertisers