SUSPEK SA PAGPATAY SA “APARRI 6”, NAARESTO NA NG KAPULISAN

Cauayan City – Matapos ang ilang taong imbestigasyon, natukoy at nadakip na ng mga awtoridad ang dalawang kalalakihan na suspek sa pagpatay kay Former Aparri Vice Mayor Rommel Alameda at 5 kasamahan nito sa Bagabag, Nueva Vizcaya.

Sa bisa ng warrant of arrest, naaresto ang suspek na kinilalang sina alyas “Ramon” leader ng Private Armed Group na De Guzman Group, residente ng Luna, Sta. Rosa, Nueva Ecija, at si alyas “George” miyembro ng parehong grupo, at residente naman ng Mallorca, San Leonardo Nueva Ecija.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office 2, ang warrant of arrest ay isinilbi sa mga suspek dahil sa kasong 6 counts of Murder kaugnay sa pananambang sa “Appari 6”.


Matatandaang February 19 taong 2023, patungo sana sa Maynila ang mga biktima sakay ang isang van nang maganap ang karumal-dumal na pagpaslang sa mga biktima sa pamamagitan ng pamamaril sa kanilang sasakyan.

Samantala, sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Bayombong Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon bago ito iharap sa korteng pinagmulan ng kanilang kaso.

Facebook Comments