Suspek sa Pagpatay sa dating Mayor sa Kalinga, Natimbog

Cauayan City, Isabela- Arestado ang suspek sa pagpatay sa dating alkalde sa lalawigan ng Kalinga matapos ang 45 taon na pagtatago nito sa batas.

Ayon kay Provincial Director PCol. Davy Vicente Limmong, nakilala ang suspek na si Jaime Tochok Bulatao, 77-anyos at residente ng Tabuk City sa naturang lalawigan.

Aniya, naaresto si Bulatao sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Multiple Frustrated Murder at Murder matapos ipag-utos ni hukom Marcelino K Wacas, Presiding Judge ng RTC Br. 25 Tabuk City ang pag-aresto sa suspek.


Base sa report ng Kalinga PPO, taong 1976 ng maging suspek si Bulatao sa pagpatay kay Mayor Alexander Alngag ng bayan ng Tinglayan.

Taong 2008 naman, isa rin umano sa suspek ng pang-aambush kay Mayor Marcelo Dela Cruz ng Rizal, Kalinga.

Nabatid na naglaan ng P75,000 reward money ang sinumang makapagtuturo sa pumatay sa alkalde.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments