Suspek sa pagpatay sa isang dating barangay chairman, naaresto

Caloocan City, Philippines – Naaresto na ng mga awtoridad ang suspek sa pagpatay sa isang dating barangay chairman sa Caloocan City at sa driver nito tatlong taon ang nakakalipas.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Remegio Escalada Jr. ng Caloocan City Regional Trial Court branch 123, naaresto ng San Francisco Municipal station sa Butuan City ang suspect na si Norberto Sabarillo, Jr. na hindi na nakapalag pa nang arestuhin.

Oktubre 7 taong 2014, nang tambangan ng apat na armadong kalalakihan, kabilang ang suspect na si Sabarillo, ang barangay chairman na si Conrado Cruz habang pababa ito ng kaniyang sasakyan sa tapat ng City Hall na agad nitong ikinamatay.


Patay rin sa nasabing pamamaril ang driver ng barangay chairman na si Jonathan Gonzales.

Nahaharap ngayon ang suspek sa 2 counts of murder habang pinaghahanap pa ang iba nitong kasabwat.

Facebook Comments