Suspek sa pagpatay sa isang estudyante na si Christine Lee Silawan nasa crime scene nang mangyari ang krimen

Inihayag ng National Bureau of Investigation sa Central Visayas na nasa crime scene ang primary suspect sa pagpatay kay Christine Lee Silawan , ayun sa findings ng DNA test  na ginawa sa mga kagamitan na nakuha mula sa bahay ng suspect .

Ito ang teoriya ng NBI-7 matapos tumugma ang mantsa ng dugo  na nasa sombrero ng suspect ,  sa specimen na nakuha ng ahensiya mula sa mga magulang ni silawan .

Kaugnay nito ay umaasa  si NBI-7 Regional Director Atty. Tomas Enrile na mas magpapatibay ang resulta ng DNA test  sa kaso na isinampa nito laban sa suspect .


Samantala tinawanan lang ni Enrile ang Akusasyon sa kampo ng suspek na  tinorture ito at hinarass ng mga tauhan ng NBI-7 kaya napilitan itong umamin sa krimen .

Facebook Comments