Suspek sa pagpatay sa isang kapitan sa Laur, Nueva Ecija noong Hulyo, naaresto na

Bumagsak na sa kamay ng batas ang 25-anyos na lalaking suspek sa pagpaslang kay Barangay Chairman Cesar Asuncion ng Barangay San Isidro, Laur, Nueva Ecija.

Kung matatandaan, namatay sa pamamaril si Asuncion noong July 13, 2025.

Inaresto ang suspek na residente ng Barangay San Isidro, Laur sa kasong murder na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 40, Palayan City.

Sa ulat ng pulisya, isinagawa ng mga operatiba ng Gabaldon Municipal Police Station ang operasyon sa Barangay Bagtingna na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nakuha mula sa lalaki ang isang caliber 45 pistol, magasin, at mga bala.

Sinabi pa ng pulisya na inamin daw ng suspek na hindi rin daw siya nabayaran ng buo sa usapan nila ng mastermind na P150,000.

Nahaharap ang suspek sa kasong murder at sa karagdagang kaso na paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments