Suspek sa pagpatay sa isang police Taguig, patay matapos makipagbarilan sa mga otoridad

Manila, Philippines – Patay matapos makipagbarilan sa mga otoridad ang suspek sa pagpatay noong nakaraang linggo kay PO1 Jovy Elchico ng Taguig Police.

Unang nakatanggap ang pulisya ng report mula sa isang concerned citizen hinggil sa presensya ng suspek na si Mark Angelo Punzal sa MLQ Street, Brgy. Hagonoy, Taguig.

Agad naman na nagresponde ang Taguig Police para arestuhin si Punzal.


Habang sinisilbi ng mga pulis ang warrant of arrest, agad na nagpaputok ang suspek subalit hindi ito tumama kaya nagkaroon ng pagkakataon ang mga otoridad na makaganti ng putok na siyang ikinamatay ng suspek.

 

Facebook Comments