Suspek sa pagpatay sa isang pulis at security guard noong 28 taon na ang nakakaraan, nahuli ng PNP

Nahuli ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang isang kilalang lalaki na suspek sa pagpatay matapos ang higit 28 taon nitong pagtakas sa mga awtoridad noon pang 1990’s.

Kinilala ang suspek sa mga alyas na “Pandong” at “Ed” at kasalukuyang 57 taong gulang na.

Siya ay konektado sa maraming marahas na insidente kabilang na dito ang pagpatay sa isang pulis at isang security guard.

Bukod dito ay napaulat ding nanakit sya ng isang opisyal sa isinagawang operasyon noong taong 2000 ng mga kapulisan.

Ayon pa sa ulat, ang nasabing suspek ay bahagi ng kilalang kriminal na grupong “Atacador Group”, na isang gun for hire at robbery syndicate.

Nahuli ang suspek sa Sta. Rosa, Nueva Ecija at sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) ng Cabanatuan City.

Sa ngayon ang suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya at nahaharap sa dalawang kaso ng murder at isang kaso ng frustrated murder.

Facebook Comments