Suspek sa pagpatay sa kay Trece Martires City Vice Mayor Alex Lubigan at driver nito noong 2018, arestado!

Matapos ang halos limang taon ay naaresto ng Philippine National Police ang gunman sa pamamaril kay dating Trece Martires City Vice Mayor Alex Lubigan at sa driver nito.

Kinilala ang suspek na si Ariel Faiton na nahuli sa Brgy. San Jose, Antipolo City.

Nakuha kay Faiton ang isang kalibre 45 na baril at 16 na piraso ng bala.


Si Faiton ay mahaharap sa kasong double murder at frustrated murder.

July 7, 2018 nang tambangan si Lubigan at driver nitong si Romulo Guillemer sa harap ng Korean Hospital sa Trece Martries City, Cavite.

Facebook Comments