SUSPEK SA PAGPATAY SA LIVE-IN PARTNER NITO, NASUKOL NG KAPULISAN

CAUAYAN CITY- Napasakamay na ng mga otoridad ang itinuturing suspek sa pagpaslang sa live-in partner nito na si Camille Balayan na natagpuan ang wala ng buhay na katawan sa Brgy. San Vicente, Tumauini, Isabela.

Ang suspek ay kinilalang si Rackan Pajimna, 33-anyos, at residente ng Brgy. Calamagui 1st, Ilagan City, Isabela.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Grace Manaloto, Presiding Judge of Regional Trial Court Brand 2nd Judicial Region, Ilagan City, Isabela sa kasong pagpatay na walang inirekomendang pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Dinala ang suspek sa himpilan ng Ilagan City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan nito.

Sa kasalukuyan, ang suspek ay nakapiit sa Isabela Provincial Jail.

Facebook Comments