Suspek sa pagpatay sa tauhan ng CIDG sa Cebu City, sumuko na sa mga awtoridad

Sumuko sa Pasig City Police Station ang isa sa mga suspek sa pagpatay sa tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na si Police Capt. Joel Deiparine sa Cebu City.

Matatandaan na inambush ng grupo ng gun for hire ang dalawang pulis na nagsasagawa ng surveillance kung saan namatay ang nasabing pulis habang ang isa pang kasama nito ay sugatan.

Ayon kay Pasig City Police Chief Col. Hendriz Mangaldan, kusang sumuko ang nasabing primary suspek sa tulong ng dalawang konsehal ng Pasig at dahil na rin sa pressure na naramdaman nya matapos mag-anunsyo ng nationwide manhunt ang ahensya laban sa kanila.

Sa ngayon na-turn over na ang nasabing suspek sa Cebu City Police kasama ng 2 pang suspek na nahuli naman sa Cebu.

Habang 4 na indibidwal pa din ang pinaghahanap ng awtoridad na sangkot sa pag-ambush sa nasabing mga pulis.

Patuloy na pinaiigting ng CIDG ang manhunt operation at ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

Facebook Comments