Kahit ipinagbabawal na ito sa pagmamaneho ay maaari pa ring magparehistro ng bagong kotse ang may-ari ng sports utility vehicle na sumagasa sa isang security guard sa Mandaluyong.
Ito ang sinabi ni Land Transportation Office officer-in-charge Romeo Vera Cruz kaugnay sa perpetual disqualification ni Jose Antonio Sanvicente upang makakuha ng driver’s license.
Ayon kay Vera Cruz, walang otoridad ang LTO upang pagbawalan si Sanvicente upang bumili at magparehistro ng bagong sasakyan.
Sa kabilang banda, siniguro ni Vera Vruz na huhulihin ito sakaling mahuling magmamaneho ng sasakyan nang walang lisensya.
Mababatid na viral si Sanvicente matapos sagasaan nito ang gwardiya na si Christian Joseph Floralde noong June 5 kung saan mahaharap ito sa kasong frustrated murder at abandoning one’s victim.