Suspek sa pamamaril, patay sa operasyon ng PNP sa Batangas

Patay ang isang lalaki na siya ring suspek sa nangyaring pamamaril sa Batangas City kamakailan.

Sa report ni Batangas Police Provincial Office Director Police Colonel Samson Belmonte sa Kampo Krame, kinilala nito ang suspek na si Aristotle de Chavez, tubong Barangay Pook na Banal, San Pascual, Batangas.

Ayon kay Belmonte, nagsagawa ang mga tauhan ng Batangas City Police Station ng follow up operation nuong Sabado, kaugnay sa nangyaring pamamaril sa kalapit na bayan.


Nang maispatan ang suspek, agad itong nilapitan ng mga awtoridad dahilan para ito ay magpaputok ng baril.

Dito nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng suspek at mga awtoridad na nagresulta sa pagkakabaril at pagkasugat ni PSsg. Ponciano Asilo Jr.

Nang mahabol ng mga awtoridad ang suspek sa kanyang tahanan dito na ito nagbaril sa sarili gamit ang caliber 45 na nagresulta sa agad nitong kamatayan.

Facebook Comments