Suspek sa pamamaril sa isang babae, arestado sa Pasig City

Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Pasig PNP ang isang suspek sa pamamaril sa isang babae sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Kinilala ang suspek na sina Mohammad Amer alyas Fahad, 21 anyos residente ng Bolante 2, Brgy. Pinagbuhatan Pasig City habang ang kasamahan nito na sina John Louie Ronda Buena alias Bolong, 19 anyos, at alyas Joven ay pawang nakatakas.

Napag-alaman na naaresto ang suspek sa isinagawang follow -up operation ng Pasig City Police Station makaraang pagbabarilin nito ang biktima na nakilala lamang sa alyas Joan, 25 hanggang 35 anyos, sa Esguerra St., Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.


Narekober sa suspek ang Smith and Wesson 38 caliber revolver na walang serial number at may tatlong bala.

Sinampahan ng kasong murder at paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulatory Act ang naturang suspek.

Facebook Comments